Kabilang sa familia ng Moringaceae, at karaniwang matatagpuan sa lahat ng tropikong bansa. Taglay nito ang ilang likas na sangkap gaya ng vitamina, enzymes, amino acids, fats, minerals, phytochemicals (plant-derived), at may kanikaniyang kahalagahan sa iba't ibang aplikasyon sa lunas at nutrisyon. Sa kasalukuyang sibilisasyon ng buong mundo, ang Malunggay ay umani ng hindi matatawarang pagkilala at sa kasalukuyan ay ginagamit na panlaban at tulong panglunas sa karaniwan at di-karaniwang mga sakit. Pangunahing kasangkapan din ang dahon at bunga nito upang labanan ang lumalaganap na malnutrisyon.
1. Ang dahon ng Malunggay ay tumutulong na palakasin ang immune system.
2. Ang dahon ng Malunggay ay tumutulong pabagalin ang natural na pagkulubot ng kutis, kinokontrol ang pagtaas sa presyon ng dugo, pinagagaling ang sakit ng ulo at migranes.
3. Ang Malunggay ay tumutulong na palakasin ang eye muscles.
4. Ang Malunggay ay tumutulong na pagalingin ang pamamaga ng kasukasuan at litid.
5. Pinipigilan ng Malunggay ang pagdami ng bulate sa bituka.
6. Ang Malunggay ay tumutulong na paramihin ng higit ang semen count.
7. Ang Malunggay ay tumutulong na i-normalize ang blood sugar level, sa gayo'y nahahadlangan ang diabetes.
8. Ang Malunggay ay may anti-cancer compounds (phytochemicals) na tumutulong na pahintuin ang pagdami ng cancer cells.
9. Ang Malunggay ay tumutulong sa pagpapagaan ng pakiramdam at itinataguyod ang mahimbing na pagtulog.
10. Ang Malunggay tea ay ginagamit na lunas sa lagnat at hika.
11. Ang Malunggay ay tumutulong sa pagpapagaling ng ulcers.
12. Ang Malunggay ay mayaman sa calcium (four times the calcium in milk), kaya iminumungkahi sa mga nagpapasusong ina na kumain ng Malunggay, o uminom ng Malunggay Capsules upang siya'y mag-produce ng higit na maraming gatas para sa kaniyang sanggol.
13. Taglay ng Malunggay ang tatlong higit na maraming potassium ng saging (three times the potassium in bananas).
14. Taglay ng Malunggay ang apat na ulit na vitimina A ng Carrot (four times the vitamin A in Carrots).
15. Ang isang onsa (ounce) ng Malunggay ay katulad ng vitamina C na makukuha sa pitong dalanghita (the same vitamin C content as seven oranges).
16. Ang dahon ng Malunggay ay nagtataglay ng dalawang ulit na protina ng gatas (two times the protain in milk).
17. Ang buto ng Malunggay ay ginagamit sa paglilinis ng madumi at polluted na tubig.

Narito ang talaan ng hustong hanay ng naturally occurring AMINO ACIDS na matatagpuan sa Malunggay, at mahikling paliwanag kung bakit kailangan ng katawan ang mga ito.
1. ISOLEUCINE: Gumagawa ito ng mga protina at enzymes at nagkakaloob ng mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng iba pang essential biochemical components sa katawan, ang marami dito ay nagtataguyod ng enerhiya at pinasisigla ang utak upang ito’y maging alerto.
2. LEUCINE: Itoy gumagawa kasama ang isoleucine upang lumikha ng mga protina at enzymes na magdaragdag sa enerhiya ng katawan at sa pagiging alerto nito.
3. LYSINE: Tinitiyak nito na ang katawan ay tatanggap ng hustong dami ng calcium. Tumutulong din ito sa pagbuo ng collagen na ginagamit sa cartilage ng buto at connective tissue. Ang lysine ay tumutulong sa produksiyon ng antibodies, hormones, at enzymes. Kailan lamang, sa pag-aaral ay napatunayan na ang lysine ay pinabubuti ang balanse ng mga nutrient na nagpapababa sa viral growth.
4. METHIONINE: Pangunahing layunin ay tustusan ng sulfur ang katawan. Ito’y kilala na pumipigil sa mga problema ng buhok, balat, at kuko, samantalang pinabababa ang lebel ng cholesterol habang ang atay ay pinatataas ang produksiyon ng lecithin. Ang Methionine ay binabawasan ang taba ng atay at pinapangalagaan ang pantog, na siya namang nagbabawas sa iritasyon ng apdo.
5. PHENYLALAINE: Gumagawa ng kemikal na kailangan sa pagpaparating ng signal sa pagitan ng nerve cells at utak. Maaari din itong makatulong sa pananatili ng pagiging alerto, binabawasan ang sakit (pain) na dulot ng gutom. At dagdag pa’y pinapahusay ang memoriya at ang lagay ng kalooban (mood).
6. THREONINE: Ito ay mahalagang bahagi ng collagen, elastin, at enamel protains. Hindi lang nito inaayudahan ang metabolism, tumutulong din ito na hadlangan ang pagtubo ng taba sa atay habang pinalalakas ang panunaw at intestinal tracts.
7. TRYPTOHYAN: Sinusuportahan nito ang immune system, pinagiginhawa ang insomnia, binabawasan ang pagkabalisa, depresyon, at ang sintomas ng migraine headaches. Binabawasan din nito ang banta ng artery at heart spasms habang itoy gumagawa kasama ng lysine upang bawasan ang lebel ng kolesterol.
8. VALINE: Mahalaga sa pagtataguyod ng matalas na pag-iisip, coordinated muscles, at kalmadong lagay ng kalooban (mood). Ang mga non-essential amino acids na ito, na maaaring gawin ng katawan sa tulong ng wastong nutrisyon ay matatagpuang lahat sa Malunggay.
9. ALANINE: Mahalaga kapag dumating sa paggawa ng enerhiya sa muscle tissue, utak, at central nervous system. Pinalalakas nito ang immune system sa pamamagitan ng paggawa ng antibodies. Ang Alanine ay tumutulong din sa malusog na metabolism ng asukal (sugar) at organic acids sa katawan.
10. ARGININE: Lumabas sa pag-aaral na sanhi sa pagpapakawala ng growth hormones, itininuturing na napakahalaga para sa pagtataguyod ng muscle growth at sa repair ng tissue.
11. ASPARTIC ACID: tumutulong na iwasan ng katawan ang ammonia na likha ng cellular waste. kapag ang ammonia ay pumasok sa circulatory system ay magsisilbi itong highly toxic substance na makapipinsala sa central nervous system. Kamakailan lang, sa pag-aaral ay lumabas na ang aspartic acid ay maaaring bawasan ang fatigue at dagdagan ang endurance.
12. CYSTINE: Kumakatawan ito bilang antioxidant at lubhang malakas na tulong sa katawan laban sa radiation at polusyon. Maaari nitong pabagalin ang proceso ng pagtanda, deactivate free radicals, and neutralize toxins. Tumutulong din ito sa protein synthsis at sa kasalukuyang pagbabago ng cellular. Kailangan ito sa pagbubuo ng bagong skin cells, na tulong sa mabilis na paggaling ng paso at surgical operations.
13. GLUTAMIC ACID: Pagkain ng utak. Pinagaganda nito ang mga kapasidad ng isip, nakatutulong sa mabilis na paggaling ng ulcers, binabawasan ang fatigue, at hinahadlangan ang pagnanasa sa asukal (sugar).
14. GLYCINE: Itintaguyod ang pagpapakawala ng kailangang oxygen sa cell-making process.
15. HISTIDINE: Ginagamit sa paglalapat ng lunas sa rheumatoid arthritis, allergies, ulcers, and anemia. Ang kakulangan sa histidine ay magdudulot ng mahinang pandinig.
16. SIRINE: Mahalaga sa pag-iimbak ng glucose sa atay at muscles. Ang antibodies nito ay tumutulong na palakasin ang body’s immune system. Dagdag pa, ang systhesizes fatty acid nito ay bumabalot sa palibot ng nerve fibers.
17. PROLINE: Lubhang mahalaga sa maayos na galaw ng mga kasukasuan at litid.
18. TRYROSINE: Naghahatid ng nerve impulses sa utak. Tumutulong ito na malagpasan ang depresyon, pinapabuti ang memoriya, dinadagdagan ang mental alertness, at itinataguyod ang masigla at malusog na aktibidad ng thyroid, adrenal, at pituitary glands.
Ugaliing kumain ng Malunggay, o kaya nama'y uminom ng 2 CAPSULES per day.
Sa abot kayang halaga (Php 360.00) ng masa, ito'y mabibili na sa LAZADA. Para sa price ng minimum order na 1 bottle x 180 pure Malunggay capsules.
Kung naibigan nyo ang content ng blog ay i-click ang "LIKE" and "JOIN THE SITE" bottons.
Asahan ninyo ang patuloy na paglalathala namin sa hinaharap ng iba't ibang artikulo na may kinalaman sa halaman (herb) na nasa anyo ng capsula. Hanggang sa muli, paalam.
Los Angeles Times - "Scientifically speaking, Moringa sounds like magic. It can rebuild weak bones, enrich anemic blood and enable a malnourished mother to nurse her starving baby. Doctors use it to treat diabetes in West Africa and high blood pressure in India .... And it's not only good for you, it's delicious."

Please ORDER NOW at LAZADA - https://www.lazada.com.ph/products/nutriganic-malunggay-capsule-180-vegetable-capsules-food-supplement-organic-pure-leaf-moringa-powder-500mg-nature-made-health-food-excellent-nutritional-support-boost-immune-system-more-health-benefits-i235569297-s318798505.html?spm=a2o4l.searchlist.list.9.aa888f54c9nXLY&search=1
Kung naibigan nyo ang content ng blog ay i-click ang "LIKE" and "JOIN THE SITE" bottons.
Asahan ninyo ang patuloy na paglalathala namin sa hinaharap ng iba't ibang artikulo na may kinalaman sa halaman (herb) na nasa anyo ng capsula. Hanggang sa muli, paalam.
Los Angeles Times - "Scientifically speaking, Moringa sounds like magic. It can rebuild weak bones, enrich anemic blood and enable a malnourished mother to nurse her starving baby. Doctors use it to treat diabetes in West Africa and high blood pressure in India .... And it's not only good for you, it's delicious."
Dr. Marcu who has made some extensive research on the significant nutritional potency of Moringa Malunggay, says that the “miracle vegetable” is an ideal energy food — the leaves can actually be eaten raw, but best added in meals as a special ingredient — or diet supplement that “can help offset a typically unhealthy Western diet” due to its high concentration of nutrients.
|
Hello Dad,
ReplyDeleteCongratulations on your new blog. Salamat sa tulong ninyo sa amin sa pagbibigay ng Malunggay at Garlic capsules. Malaking tulong ito sa health supplement ng pamilya ko lalo na sa mga apo mo. "Smart time" nga sabi ng bunso kapat umiinom sila ng malunggay capsule! Keep up the good work!
I love you,
Murray
saan po nabibili ang mga malunggay cappsules na ito at magkano naman po ang halaga kada botelya
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng product na ito ay maaari ng orderin sa LAZADA, mabilis dumating ang delivery hindi gaya ng dati na kailangan pa ng maraming preparasyon bago maipadala sa umorder ng Malunggay capsules. Higit ito ngayong umaani ng pagtitiwala sa mga mamimili.
ReplyDeleteAng email na rjmorales101@gmail.com ay hindi na tumatanggap ng order (Malunggay Capsules) sapagka't nasa LAZADA na ito, at diyan na maaaring orderin ang nabanggit na produkto. Maraming saamat po.
ReplyDelete